Just a teaser for yesterday’s CPA Night.

#photo  #drinks  
1 day ago on 06/02/12 at 12:52pm

Still na nasa stage ng pagkuha ng A, C at G na chords.

#photo  #guitar  
1 day ago on 06/02/12 at 05:26am

The closer we get ♫

Kaya ito yung title kasi ito yung bahagi ng lyrics na gustong gusto ni Kris na kanta yung Closer You and I na palaging hindi nya natatagpuan sa song hits kapag nagkakaraoke kami, :))

Gusto ko lang ishare na mahilig kaming mag-ice cream. 

Make palaway with our Icecream. Krisanta and Emjay, holding their new discovered flavor of Strawberry Banana.

At ngumiti ng WAGAS!

1 day ago on 06/02/12 at 05:23am

Three hours of waiting is just like three minutes of surfing the net.

#quotes  
1 day ago on 06/02/12 at 05:07am

Happy Graduation Day sa Summer Kindergarten Program! Congratulations sa mga batang grumaduate. Namiss ko din ang pagtuturo last year nung teacher ako, kaso di ako naging teacher this year dahil sa Summer Review Class ng Accounting. Ang saya lang nung graduation kasi ang cute ng mga bata. Sana next year makapagturo na ko ule. :) 

Other side of Collyn.

Nagkuwentuhan kami ni Collyn kagabe sa bahay nila. Kasama yung tumatahol na si Bogart at Mandy. Hyper mga aso nila e. :)) Ayun, Si Collyn kase, sya yung taong napakadaldal at napakasaya kasama kapag naging kaibigan mo sya. Pero sabi nya sakin kahapon, ang dami daw na ang tingin sa kanya masungit sya kapag hindi pa sya nakakausap. Akala mo din ang tapang- tapang nya pero palagi nyang sinasabi sa sarili nya na hindi nya kaya na weak sya. Pero hindi naman talaga. Na-touch lang ako sa sinabi nya na palagi ko daw sinasabi sa kanya na “Kaya mo yan.” Hindi yan, malalampasan mo yan.” Kasi inaadmit nya sa sarili nya na nega sya. E lahat naman tayo may mga problema depende lang kung paano na natin haharapin lahat ng iyon. 

#life  #friend  #Collyn  
6 days ago on 05/27/12 at 10:29pm

Ang Tapang ng nag-anon. Napaka scheisse mo.

Matapang ka pa din kahit anon- off na? =))

#anon  
6 days ago on 05/27/12 at 10:22pm

Nakakapag-blog ako ng marami tuwing malungkot ako.

#sad  #blog  #tumblr  

Sulat vs Salita

Kapag kasi sinulat mo lang, hindi mo talaga malalaman kung ano ang tunay na nilalaman ng isang pahayag. Pero, kapag sinabi mo, mahahalata mo agad kung talagang nagsisinungaling ang isang tao. Kasi ang lapis, ang ballpen, pag nagkamali ka pwede mong burahin pero kapag nakapagsalita ka na ng masakit sa isang tao, hindi mo na pwedeng i-edit. Mananatili na ung sakit ng binitiwan.

Ganun din kapag NAGBASA at NAKINIG ka. Pakinggan mo muna yung sasabihin ng isang tao bago mo basahin yung interpretasyon dyan sa utak mo kasi dun nagkakaroon ng hindi pagkakaunuwaan. Tip lang kababayan!

Before you accuse or ask me of not trusting you, give me a reason as to why I should.

#trust  
6 days ago on 05/27/12 at 09:40pm

Good morning Monday!

Paputol putol yung tulog ko, di ko alam kung bakit akaya ayun. nagising ako ng maaga, 8:36 AM. Hay. Pero paggising ko naman, nagugutom ako pero wla pang makain. Kaya nagnet muna ako. 3 days na pala akong hindi nagnenet totally. ‘Di pa rin talaga mawala sa isip ko yung text ng isa kong malapit at tunay na kaibigan. Ayan na naman sya. Nag-iisip ng kung anu ano. At dahil yun sa facebook. Grabe. Hindi ko alam na magiging gannun ang interpretation nya. 

Bago ko ikuwento, buburahin ko muna yung status kong yun sa facebook. Okay. nakahide na. Para maging secure, haha. pntahan nyo pa fb ko. XD. Stalker much? So here’s the  story. Sya kasi yung tanging kaibigan na nakakaalam ng facebook password ko at okay lang sakin na buksan nya yun para maka-update din sya since wala syang facebook. Nung araw na magkasama kaming naginternet, tapos ipapakita ko yung magagandang babae na kilala ko. :”> Fan kasi kami ng magaganda at chiks na babae. Humahanga kasi kami sa kanila. Binuksan namin. Eh, dapat may papakita din sya na magagandang babae. Kaso di ko naman friend. Sa situation na yun, Naisip ko na yung friendship namin, nagbobonding ngayun sa pagshare ng facebook. So nung right after na nangyari yun, At night, bigla na lang pumasok sa isip ko na magstatus tungkol sa gnawa namin. Pero wala naman pala sya facebook. patag-tag pa ko. :)) Ayun. So, i posted to the public na nagdeactivate sya pero account nya yung gamit ko. Ang gusto ko lang sabihin dito, Na kahit nagdeactivate sya, pinili nya yung account ko na maging facebook nya. kaya nga may Nice at smiling face pa sa huli na =)). Grabe. masyado na kong detailed. The intention was real. I was just being happy to have her. I didn’t mean anything bad about that. Kaso, naging oppositte sa kanya. Naaalala ko din kasi nung medyo nagtampo ako kasi about sa project yun. nagstatus din ako. She also blamed herself na sya daw yung pinatutungkulan ko dun. Eh, hindi naman talaga. Why would she think that I can do that to her? Am i that stupid? 

Basta, ang akin lang, hindi ganun ang gusto kong iparating sa kanya. Logic lang na kung ayaw ko talaga ipagamit sa kanya yung facebook ko, Agaran ko ng pinalitan ung password. Kasi, ako nandun yung TRUST e. Right now, Ako talaga yung sobrang nadisappoint for her sudden reactions. She didn’t ask lang to bother me na bakit ganyan ang status ko? anu bang nagawa ko tapos nagreact pa at nag-isip na ng kung anu-ano. 

Wala naman syang ginawa sa kin na masama para isipin na masama ang gagawin ko sa kanya. (vice versa). Isa lang ang masasabi ko, THIS IS A WHOLE SHIT OF MISUNDERSTANDING!

1 week ago on 05/27/12 at 09:19pm

Ito nga pala yung Sky Guitar na binili ng sis ko :P

Actually, di talaga ko marunong maggitara pero unti-unti na kong natututo at matututo pa :”> . 

#photo  #guitar  #blue  

Our New Sky Guitar :”>. Pumunta kami ng Up ng Sis ko after namin pumunta ng Ched kahapon. Ayun nakikita naman sa pics, as usual. Picture na naman kami :)) Yikes.

#photo  #life  
1 week ago on 05/24/12 at 12:29pm

Ang init pero kailangang umalis.

Yeah. Ang dami ko kasing aasikasuhin ngayung araw na ito. Nakakahiya naman sa magulang ko, walang tigil na magpaalala na magpasa na ko ng mga requirements para maupdate na yung scholarship ko. Ako naman si Oo. Haha. Kahit hindi pa naman talaga ako nakakapagpasa. Bakit kasi ang init ng mundo, nakakatamad umalis. :/ So, this day, pupuntahan ko na sa UP Diliman yung Ched Building dun tapos ipapasa ko na ung GWA kong pababa ng pababa yung average. Napansin ko lang nanghingi kasi ako ng Evaluation Grades sa Deans Office tapos grabe. Pababa ng pababa yung average ko. Kasi naman, pahirap ng pahirap yung mga subjects sa Accounting as in. Tapos hindi pa ko ganun kagaling, you know. Patay na talaga ko, Dalawang sem na kong hindi nakakapagpasa ng grades.XD.Tapos mag-foufourth year na ko. Akalain mo yun. Sige, maliligo na ako.

P.S. Wala akong load pasensya sa mga hindi nareplyan bigla. :(

1 week ago on 05/23/12 at 12:31am

GO JESSICA SANCHEZ! Ikaw ang magiging Next American Idol. :)